DA at mga stakeholder, muling magpupulong kaugnay sa usapin ng SRP ng sibuyas

Muling magpupulong sa susunod na linggo ang Department of Agriculture (DA) at ang mga stakeholder sa para talakayin kung kailangan pang palawigin o baguhin ang Suggested Retail Price (SRP) sa sibuyas.

Batay sa naunang Administrative Circular No. 12, epektibo lamang ang ₱250 kada kilong SRP hanggang sa linggong ito.

Ayon kay Asec. Kristine Evangelista, kasama sa ikokonsidera sa desisyon ng DA ang posibilidad na bumaba na rin ang farm gate price kasabay ng pagdating ng mga bagong aning sibuyas sa mga susunod na linggo.


Aminado naman si Evangelista na bagama’t may ilang palengke na ang nagbaba ng paninda ng sibuyas hanggang ₱470 kada kilo, hindi pa rin nakasusunod ang mga ito sa SRP habang may ilan ding hindi muna nagbenta ng sibuyas.

Dahil dito, patuloy namang nakikipag-usap ang DA sa market masters at mga tindera sa palengke para mahanapan ng mga kooperatibang magsusuplay sa kanila ng mas murang sibuyas at makasunod sa SRP sa linggong ito.

Nagpapatuloy rin ang bentahan ng ₱170 kada kilong sibuyas sa mga Kadiwa Store.

Facebook Comments