DA at NIA, nagsanib puwersa para makamit ang rice production target ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic

Nakipag-partner na sa National Irrigation Administration (NIA) ang Department of Agriculture (DA) para mas mapahusay ang pagtatanim ng palay at production activities sa darating na cropping season sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DA Secretary William Dar, mahalaga ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya dahil importante na magkaroon ng sapat na patubig sa panahon ng pagtatanim.

Karamihan, aniya, sa mga farmers ay nakadepende lamang sa national irrigation systems na pinangangasiwaan ng NIA.


Plano ng DA na palaguin ang palay production ngayong taon sa 22.12 million metric tons (MMT) katumbas ng 13.51 MMT ng bigas o 93% na kasapatan, mas mataas ng 6% kumpara sa 87% noong nakalipas na taon.

Sabi pa ng kalihim, nakasalalay sa NIA ang napapanahong pagsuplay ng sapat tubig sa bawat lokalidad lalo na sa pinakahuli-hulihang pinagsisilbihan ng irrigation canals.

Facebook Comments