CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Harvest Field Day ang DA-BFAR 2 sa pamamagitan ng Provincial Fishery Office-Nueva Vizcaya kung saan inilunsad nito ang proyektong Monoculture of Tilapia sa Kasibu, Nueva Vizcaya.
Katuwang ng DA-BFAR 2 sa paglulunsad ng naturang proyekto ang Lokal na pamahalaan ng Kasibu.
Nasa 1000 square meters ang nagamit para sa techno-demo site kung saan mayroon itong 5,000 tilapia fingerlings.
Bukod dito, nagbahagi rin ang DA-BFAR 2 ng mga fetilizers at feeds.
Layunin ng proyekto na ipakita ang mga pakinabang ng pag-aalaga ng tilapia sa ekonomiya at upang mapatatag ang food security sa kanilang lalawigan.
Facebook Comments