Namahagi ng relief packs ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa 1,612 mangingisda sa Noveleta, Cavite na isa mga apektado ng oil spill dahil sa paglubog ng MT Terra Nova sa Bataan na may kargang 1.4 million liters ng langis.
Ayon sa BFAR, first wave pa lamang ito ng tulong sa mga sektor na apektado ang hanapbuhay.
Ang relief good ay naglalaman ng essential items tulad ng bigas, canned goods, at ilan pang non-perishable food items.
Pagtitiyak ng BFAR, susunod na umano rito ang ilang assistance programs kabilang ang livelihood restoration initiatives at rehabilitasyon ng kanilang pinangingisdaan sa mga susunod na araw at linggo.
Facebook Comments