DA -BFAR, pinaiiwas muna ang publiko sa pagkain ng isda mula sa mga lugar na apektado ng oil slick

Pinaiiwas ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA -BFAR) bilang pag-iingat pansamantala ang publiko sa pagkain ng mga isda na nagmula sa mga lugar na apektado ng oil slick para maiwasan ang food poisoning.

Ayon sa BFAR sa Bataan oil spill bulletin no. 3 na inilabas ng DA-BFAR, tinitingnan na ang ahensya ang ilang “alternative areas” na pwede ang pangingisda.

Habang mag-re-release naman ang BFAR ng fuel subsidies at dagdag na food packs at relief packages sa mga mangingisda na apektado ng oil spill ang kabuhayan.


Paliwanag ng BFAR tuloy-tuloy naman ang monitoring at koordinasyon ng BFAR sa mga apektadong Local Government Unit “LGU” at nagsasagawa na rin clean-up operations at paglalagay ng oil spill boom gamit ang nets at coco fiber.

Facebook Comments