DA, binabantayan na ang presyo ng mga agricultural product sa gitna ng pananalasa ng mga bagyo na pinalalakas ng habagat

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng mga produktong agrikultural sa harap ng epekto ng mga bagyo at malawakang pagbaha.

Nagpaalala si DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa na kung tataas man ang presyo ng mga agri product, hindi dapat ito aabot ng hanggang 10%.

Sa ngayon, sinabi ni De Mesa na batay sa monitoring ng DA, maraming supply ng bigas.

Gayundin sa mga gulay dahil halos katatapos lang ang anihan ng mga magsasaka.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagkalap ng DA ng datos sa halaga ng pinsala ng kalamidad sa sektor ng agrikultura.

Sa huling tala, nasa P454 million na ang halaga ng pinsala sa agricultural sector, at 8,256 metric tons ang dami ng napinsalang produksyon.

Facebook Comments