DA, binigyan ng warning ang mga nagbebenta ng hazardous frozen meat sa mga wet market

Nagbabala na ang Department of Agriculture (DA) sa mga negosyante na nagbebenta ng frozen meat sa mga wet market.

Ang warning ay ginawa ni Department of Agriculture (DA) Usec. Deogracias Victor Savellano dahil magdudulot lang daw ng peligro sa kalusugan ng tao ang frozen meat dahil sa kawalan ng refrigeration facilities at kakulangan ng kaalaman ng mga vendor sa paghawak ng frozen meat.

Makikipagtulungan na aniya ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI) upang maalis sa public wet markets ang mga hazardous frozen products.


Pinayuhan din ng DA ang mga consumer na tingnan ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain.

Alinsunod sa DA Administrative Order 6-2012, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbenta ng frozen meat sa mga wet market.

Pinapayagan lamang ito sa hotels, restaurants at supermarkets na mayroong refrigeration facilities at handling expertise.

Samantala, sinusuri na rin ng DA ang mataas na presyo ng bentahan ng manok sa merkado sa kabila ng bumababang farmgate prices.

Facebook Comments