DA, bubuksan na ang karagdagang Kadiwa ng Pangulo outlets sa Visayas at Mindanao sa Setyembre

Tuloy-tuloy na ang pagpapalawak ng Department of Agriculture (DA) ng Kadiwa ng Pangulo program sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., hindi bababa sa 60 Kadiwa ng Pangulo sites ang bubuksan sa susunod na buwan para mag-alok ng mas murang agri-products gaya ng P29 kada kilong bigas.

Sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo program, tina-target ng DA na makapagtayo ng isang kadiwa store sa kada 1,500 munisipalidad.


Sa ngayon, nakikipag-partner na aniya ang DA sa pribadong sektor para maabot ang target na ito.

Nakikipag-usap na rin ang kagawaran sa ilang food manufacturers para makapagsuplay sa kadiwa ng iba pang bilihin gaya ng sardinas, at mantika.

Facebook Comments