Thursday, January 29, 2026

DA, bukas sa limitadong pag-angkat ng bigas mula Pakistan

Bukas ang Pilipinas sa posibilidad ng pag-aangkat ng bigas mula sa Pakistan.

Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa isang delegasyon mula sa Pakistan.

Ayon kay Laurel, sa ngayon kasi ay may surplus rice ang Pakistan.

Pero, lilimitahan lamang ang imports batay sa pangangailangan ng bansa para maprotektahan ang local farmers at matiyak ang food security.

Dagdag pa ng Department of Agriculture (DA), ang anumang rice imports mula Pakistan ay dadaan pa rin sa umiiral na regulatory at quality requirements habang nagpapatuloy ang negosasyon.

Facebook Comments