DA, bukas sa pagpapatupad ng mataas na price ceiling sa baboy

Bukas ang Department of Agriculture (DA) sa mungkahing itaas ang price ceiling sa pork products.

Nabatid na nanawagan ang Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) ang pamahalaan na itaas ang price ceiling ng baboy para mahikayat ang mga hog raisers na ipagpatuloy ang production.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary and Spokesperson Noel Reyes, handa nilang itaas ang price ceiling sa 310 hanggang 340 pesos kada kilo.


Sinabi ni Reyes na ang proposal ay pinag-aaralan na ng Bantay Presyo at Agribusiness Marketing Groups.

Bukod dito, pinag-aaralan na rin ng DA na itaas ang insurance coverage para sa mga commercial hog raisers mula ₱5,000 patungong ₱10,000.

Batay sa Executive Order 124, nililimitahan ng pamahalaan nag presyo ng pork kasim sa ₱270 kada kilo, pork belly o liempo sa ₱300 at manok na nasa ₱160 sa mga palengke sa Metro Manila.

Magtatagal ang EO hanggang April 8.

Facebook Comments