DA, bumuo ng bagong direksyon para mapalakas ang produksyon ng pagkain sa bansa

May bagong direksyon na ngayon ang polisiya ng  Department of Agriculture (DA) para sa  pagpalakas at pagpapalago ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Ito ang nabuo sa second quarter National Management Committee meeting ng DA sa Nueva Valencia, Guimaras.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, maraming dapat trabahuhin ang iba’t-ibang bureaus at agencies sa ilalim ng  DA upang iangat mula sa antas ng kahirapan ang mga magsasaka at mga mangingisda.


Tiniyak ni Piñol na malaki ang maitutulong ng P10 billion kada taon na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mula sa  tariffication system.

Ito ay maliban pa sa  P7 billion na regular fund ng ahensya para makamit ang sufficiency production volume na 21 million metric tons ng  palay.

Gagamitin ng DA ang P3 billion mula sa RCEF para sa procurement ng mataas na kalidad ng binhi na ipapamahagi ng libre sa mga magsasaka.

Abot sa 1.2 million hectares ng lupang sakahan ang tataniman ng magandang klase ng binhin at dagdag na ng 600,000 hectares na tataniman ng hybrid rice.

Bumaba ang rice production ng bansa mula 19.28 million metric tons noong 2017, naitala lamang ito sa 19.05 million metric tons noong 2018 dahil sa sunod-sunod na pananalanta ng mga bagyo.

Facebook Comments