Bumuo ng isang programa ang Department of Agriculture (DA) na tinawag na ORION o Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network – Program.
Layunin nitong suportahan ang local industry at pataasin ang produksyon at income ng mga nagnenegosyo ng sibuyas sa bansa.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, nang nakalipas na Lunes ay nagsagawa ang DA ng stakeholder’s meeting partikualar sa growers, traders, importers at iba pang stakeholder ng sibuyas matapos itong ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Highlight ng stakeholder’s meeting ay ang hindi raw umabot sa 260,000 metric tons ang produksyon ng sibuyas ngayong taon, tumaas rin daw ang price of production inputs katulad ng fertilizers, seed, low of mechanization at high labor cost, mahal din daw ang marketing at distribution scheme; limitadong access sa credit facilities; at mga pa-iba-ibang impormasyon.
Umabot din daw sa 35 percent ang pagkalugi matapos na umani ng maraming sibuyas pero kulang sa pasilidad katulad ng cold storages.
Kaya naman sa taong 2022, nakapagtala ang DA ng 100,000 metric tons na lugi.
Sa mga natalakay na ito sa ginawang pagpupulong, naniniwala ang pangulo na ang ORION Program ay makakatulong sa pag-promote ng competitive, resilient, at profitable onion industry para magkaroon ng high quality, safe, affordable, at sustainable na supply ng sibuyas na makakasagot sa pagtaas ng domestic demand.
Sa ilalim din daw ng ORION, maisusulong ang innovative farming technologies maging ang value-adding processes para maparami ang produksyo ng sibuyas at tumaas ang income.