Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang sarili nitong anti-corruption committee na layong magsagawa ng monitoring at reporting ng anumang uri ng korapsyon sa loob ng kagawaran.
Sa pagbubukas ng 1st Anti-Corruption Summit, hinimok ni Agriculture Undersecretary for Special Concerns Waldo Carpio, ang mga opisyal at kawani ng ahensya na panatilihin ang katapatan at malinis na paglilingkod.
Aniya, mahalagang mapanghawakan ng mga kawani ng DA ang integridad lalo na ipinagkatiwala sa ahensya ang lubos na pagseserbisyo sa panahong may umiiral na pandemya.
Aniya sa pamamagitan ng komite ay masisiguro na ang pagseserbisyo ng bawat isa ay may kaakibat na accountability.
Facebook Comments