
Inaprubahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang importasyon ng 1,520 na palahiang kambing at 4,310 na mga tupa upang pahusayin ang mga lokal na livestocks partikular sa Mindanao.
Ang mga imported na hayop na magpapahusay sa kalidad ng lahi ng mga lokal, bahagi ng pagsisikap na mapalakas ang sektor sa pag-aalaga ng kambing at tupa.
Ang mga kambing na kinapapalooban ng 155 lalaking Anglo Nubian, 175 na lalaking Boer, at 1,190 na babaeng Boer ay ikakalat sa nucleus at multiplier farms sa Barili, Cebu at Makilala, North Cotabato.
Samantalang ang mga tupa, kabilang na ang 260 na mga lalaking Dorper, 4,050 na mga babaeng dorper ay ilalaan para sa distribusyon sa North Cotabato.
Itatakda pa lamang ng Department of Agriculture (DA) ang bidding para sa importasyon ng mga hayop, subalit may nakalaan ng pondo para sa pagbili ng mga kambing at tupa sa ilalim ng 2024 budget.
Ang Anglo Nubian na mga kambing ay mataas ang halaga dahil sa kanilang karne, gatas at produksiyon ng balat, bagama’t hindi sila malakas na makapagpalabas ng gatas.
Ang mga Boer goat naman ay pangunahing inaalagaan dahil sa kanilang karne, na pinakatanyag sa lahat ng alagang hayop.