DA, dinagdagan ang accreditation ng mas maraming Indian exporters upang maparami ang pagkukunan ng carabeef

Inaprubahan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang accreditation ng 34 na Indian companies upang makapag-supply ng frozen buffalo o mas kilala bilang carabeef.

Layon ng hakbang na mapalawak ang option para pagkunan ng supply ng Philippine food processors at maibaba ang gastos ng Filipino consumers, partikular sa mga produktong gaya ng corned beef.

Kabilang sa listahan ng accredited Indian meat exporters ang anim na kumpanyang inisyal na naaprubahan noong 2019 at muling nag-renew ng kanilang accreditation.


Ang bagong accreditation ay may bisang tatlong taon, at matatapos sa December 12, 2027.

Kinumpirma ni Secretary Tiu Laurel na ang lahat ng 34 na Indian exporters ay nakatugon sa mga requirement.

Gayunman, 13 sa mga ito ay hindi agad papayagang makapag-export ng carabeef sa Pilipinas, dahil ang kanilang operasyon ay nakabase sa tatlong Indian states– Maharashtra, Telangana at Bihar- na naiulat na aktibo sa Foot-and-Mouth Disease (FMD).

Facebook Comments