DA, DOE, DOTR, magtutulungan para sa rollout ng cold storage facility program

Isang tripartite agreement ang pinirmahan ng Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr) at Department of Energy (DOE) para sa pag-rollout ng cold storage facility.

Sa ilalim ng Palamigan ng Bayan Program, target na mabigyan ng cold storage facilities ang mga magsasaka at mangingisda upang mapanatiling sariwa ang kanilang mga produkto at mapabilis ang distribusyon sa lokal market.

Layon nito na mabawasan ang problema sa food shortage at mapababa ang presyo ng pagkain.


Umaasa sina Transport Secretary Arthur Tugade, Agriculture Secretary William Dar at Energy Secretary Alfonso Cusi na sa ilalim ng programa, makapag-develop ng makabagong teknolohiya at makapagkakaloob ng technical at iba pang suporta sa lokal na magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments