DA, dumipensa kaugnay ng isang pag-aaral na bigo umano ang Rice Tarrification Law

Umalma ang Department of Agriculture (DA) sa pag-aaral na ginawa ng Federation of Free Farmers (FFF) na bigo ang Rice Tarrification Law (RTL).

Base sa FFF study, ₱68 billion ang nalugi sa mga local farmers dahil sa RTL.

Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Dr. Fermin Adriano, Senior Adviser ng SWDD on Political Economy, hindi patas ang FFF study dahil hinusgahan na agad ang batas na isang taon pa lang na gumugulong.


Aniya, para ituring na scientific based ang isang pag-aaral, dapat ay sukatin ito pagkatapos ng tatlo o limang taon.

Sa ngayon aniya ay sinisimulan pa lamang ang paglalatag ng mga infrastructure, technical at financial assistance na may layong mapataas ang produksyon ng mga local farmers.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga irigasyon, pagkakaloob ng magandang klaseng binhi, fertilizer at farm mechanization.

Giit niya, kung wala ang RTL, hindi nakapaghanda ng 2.6 billion rice inventory ang bansa at malamang nagkaroon ng mahabang pila sa bilihan ng bigas sa panahong may pandemya.

Apela ni Adriano, huwag pulitikahin ang programa at payagan itong makausad.

Facebook Comments