
Dumipensa ang isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa mga batikos o puna kaugnay sa bentahan ng ₱20 na kada kilo ng bigas na gumamit ng plastic bags na may litrato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cebu City.
Bukod sa imahe ng presidente, may nakasaad pa rito na “A Promise Fulfilled.”
Sinabi ni DA Asec. Genevieve Guevarra na ipinaubaya ng Kagawaran sa lokal na pamahalaan ang diskarte sa distribusyon.
Ang lokal na pamahalaan din aniya ng Cebu City ang nagplano at naghanda ng mga ito.
Sa tanong kung ganito rin ang gagamitin para sa rollout ng bentahan ng ₱20 na kada kilo ng bigas sa Metro Manila, sinabi ni Guevarra na sa kanilang implementasyon sa ibang rice program gaya ng P29 program, hindi naman talaga sila gumagamit ng ganoong plastic bags na may imahe ng mukha ng pangulo.









