DA, dumipensa sa polisiyang direktang pakialaman ang merkado sa problema sa suplay ng karneng baboy

Pumalag ang Department of Agriculture (DA) sa pagkwestyon ng ilang grupo sa polisiya ng gobyerno na pinapayagang solo at direktang pakialaman ang merkado sa problema sa suplay ng karneng baboy.

May kaugnayan ito sa ipinatupad na price ceiling sa karneng baboy at manok.

Sa halip kasi umano na ipaubaya na lang sa pribadong sektor ang pagresolba sa problema ay solong pinakialaman ito ng ahensya.


Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa na may karapatan ang DA na na makialam sa isang di-pangkaraniwang sitwasyon.

Aniya, kailangang ibalanse ang kapakanan ng mga consumers at mga hog traders.

Dagdag ni De Mesa, pansamantala lang ang ipinatupad na price ceiling.

Ito’y hanggang may kakapusan sa suplay at umiiral ang pandemya.

Facebook Comments