DA, dumipensa sa pondong inilaan nila sa research projects

Dumipensa ang Department of Agriculture (DA) ang inilaang pondo para sa research projects.

Ito ay matapos punahin ni Senate Committee on Agriculture Chairperson, Sen. Cynthia Villar ang budget ng ahensya para sa susunod na taon.

Pinababago ni Sen. Villar ang 2020 budget ng Department of Agriculture at hiniling na ilagay ang panukalang budget para sa research para sa libreng kagamitan, binhi at pataba ng mga magsasaka.


Ayon kay Agriculture Sec. William Dar – ang pondo para sa research ay direktang mapupunta sa produksyon ng agrikultura at suporta sa mga magsasaka.

Sinabi naman ni Agriculture Usec. Ariel Cayanan – sisimulan na ngayong araw ang pamimigay ng libreng binhi sa mga mahihirap na magsasaka.

300 billion pesos na pondo ang inilaan sa distribusyon ng binhi.

Tiniyak naman ng National Food Authority (NFA) na bibili sila ng ani sa mga magsasaka.

17 hanggang 19 pesos nag buying price ng palay ng NFA.

Target ng NFA na makabili ng higit 14 na sako ng palay bago matapos ang taon.

Facebook Comments