DA: Halaga ng pinsala ng Bagyong Egay at Falcon sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa halos ₱5-B

Sumampa na sa ₱4.66 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na idinulot ng Bagyong Egay at Falcon.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), umaabot na sa 200,456 na ektarya o katumbas na 158,995 ng metriko toneladang volume loss ng lupaing sakahan ang nasalanta sa:

– Cordillera Administrative Region (CAR),
– llocos Region,
– Cagayan Valley,
– Central Luzon,
– CALABARZON,
– MIMAROPA,
– Western Visayas,
– SOCCSKSARGEN,
– Zamboanga Peninsula,
– Caraga


Pinakaapektado ang rice sector na nasa higit 114,735 ektarya ang napinsala na may katumbas na ₱1.79 billion.

Kabilang pa sa apektado ang maisan, high value crops, livestock at poultry, fisheries sector pati na agricultural infrastructure.

Samantala, umakyat na rin 187,225 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng nagdaang kalamidad sa bansa.

Facebook Comments