DA, hihirit ng family food packs sa DSWD para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan

Inatasan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nais ni Sec. Laurel Jr. na mabigyan ng family food packs ng DSWD ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Bataan at kalapit lugar.

Sa panig ng DA, tanging maibibigay lamang nila sa mga mangingisda sa ngayon ay ang fuel vouchers para makapangisda sa kalapit na fishing grounds.


Ito’y habang pinag-aaralan pa ang ibat-ibang tulong na ipapamahagi sa mga apektadong mangingisda.

Sinabi rin ng kalihim na bibigyan din sila ng dispersants para makatulong sa treatment ng tumagas na langis sa lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.

Facebook Comments