DA, hindi imumungkahing kontrolin ang presyo ng bigas at iba pang agri products

Nilinaw ni Agriculture Secretary Herman Tiu Laurel na hindi nila ikinokonsiderang magpataw ng Suggested Retail Price (SRP) sa agricultural products, partikular na sa bigas.

Sa isang pahayag, tinukoy ni Laurel ang pabago-bagong kalagayan sa international market, partikular sa presyo ng agri products.

Ito ay dahil na rin sa pinangangambahang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.


Dahil dito, hindi iminumungkahi ng DA na makontrol ang presyo ng mga produkto sa kasalukuyan.

Nilinaw pa ng kalihim na ang naunang mungkahi sa SRP ay ideya lamang at posibleng opsyon sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act.

Tinukoy rin ni Sec. Tiu na kadalasang mga magsasaka ang nahihirapan kapag nagkakaroon ng price limit dahil kinokontrol lang din ito ng traders.

Tiniyak naman ni Sec. Tiu na mahigpit ang pagsisikap ng DA para masiguro ang sapat na suplay ng agricultural products sa bansa lalo na ang bigas.

Facebook Comments