DA, hindi kumbinsido sa mungkahing magtakda na rin ng MSRP sa imported pork meat

Walang nakikitang dahilan ang Department of Agriculture (DA) na magtakda na rin ng maximum suggested retail price sa imported na karneng baboy.

Una nang inirekomenda isang samahan ng pork producers na maaaring mahatak pababa ang presyo ng lokal na karneng baboy kung magtatakda ng msrp sa imported.

Ayon kay Agriculture spokesperson Asec. Arnel de Mesa, hindi naman mataas ang presyo ng imported na karneng baboy.


Hindi hamak kasi aniya na mas pinipili pa rin ng mas nakararaming consumer ang mga sariwa o bagong katay habang ang mga imported ay karaniwan sa mga commercial establishment.

Gayunman, sinabi ni Asec. De Mesa na bukas silang pag-aralan ang nabanggit na mungkahi.

Facebook Comments