DA, hindi muna magpapapasok ng imported na bigas hanggang Disyembre

Hindi muna magpapapasok ng imported na bigas ang Department of Agriculture (DA) hanggang sa Disyembre.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DA Secretary William Dar na sapat na ang dumating na imported rice para sa pangangailangan ng bansa ngayong taon.

Bukod dito, marami rin ang ani ngayon ng mga lokal na magsasaka.


Aniya, kung hindi tatamaan ng bagyo, inaasahang maitataas sa 93% ang rice sufficiency level ng bansa.

Ang National Food Authority (NFA) ay bumibili ng bigas sa local farmers ng sa halagang P19 kada kilo.

Nabatid na 5% hanggang 6% lang ng total local rice production ng bansa ang maaaring bilhin ng NFA.

Facebook Comments