
Walang nakikitang dahilan ang Department of Agriculture (DA) upang mag-angkat ng asukal dahil sa red-striped soft scale insect (RSSI) infestation sa Negros Island.
Sa pulong balitaan, sinabi ni DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa na kaya pang kontrolin ang peste na umaatake ngayon sa mga taniman ng tubo.
Aniya, makukuha pa sa quarantine measures o pagpigil ng movement ng mga punla ng tubo ang pagkalat ng peste sa ibang sugar farms.
Sa ngayon aniya ay maaga pang ideklara na bagsak ang produksyon ng asukal sa sitwasyon.
Sa ngayon, mahalaga na mabigyan na ng kapangyarihan ang SRA na magamit ang 5.4-M na pondo ang nito upang ipambili ng mga biologic o pamatay peste.
Inaaantay na lang ng SRA ang pormal na pagdedeklara ni Negros Occidental Governor Jose Lacson ng state of emergency upang makagamit na ng emergency fund ang SRA.
Sa ngayon ang mga apektadong lugar na ng RSSI ay ang lungsod ng Silay, Talisay, Victorias, Cadiz, Bago, at La Carlota cities, gayundin ang mga bayan ng E.B. Magalona, Manapla, Toboso, La Castellana at Murcia.









