
Masyado pa umanong maaga upang i-assess ang magiging epekto ng katatapos pa lamang na US-Philippine Trade deal sa exports ng agrikultura ng Pilipinas.
Ito ang ipinahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasunod nang 19% na taripa o one percent na nabawas sa 20 percent na naunang ipinataw ng US para sa Philippine exports na papasok ng naturang bansa.
Ang coconut oil ang pangunahing agricultural export ng Pilipinas sa US.
Noong nakalipas na taon, kumita ang Pilipinas dito ng USD558.7 million.
Samantalang ang mga pangunahing import ng bansa mula sa US ay animal feeds, cereals at cereal products, at iba pang pagkain at mga buhay na hayop.
Sinabi ni Secretary Tiu Laurel na m ang zero tariff ng agricultural imports ng US ay makakasuporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makamit ang seguridad sa pagkain ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagbaba sa gastos ng mga pangunahing inputs lalong lalo na ang livestock production.









