DA, hinikayat ang publiko na kumain ng itlog dahil sa magandang produksyon nito

Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga Pilipino na kumain ng itlog.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa, na sa kasalukuyan ay maganda ang produksiyon ng mga nasa layer industry dahil sa malamig na panahon kaya marami ang supply ng itlog at bumababa na ang presyo nito sa pamilihan.

Dagdag pa ni De Mesa, ang itlog ang isa sa pinakamurang pinagkukunan ng protina kaya nais ng DA na ipo-promote ito para mas maraming Pinoy ang kakain ng itlog.


Ilalapit din ng DA sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Nutrition Council (NNC) ang produktong itlog ng mga magsasaka upang matulungan ang mga ito sa kanilang negosyo.

Matatandaang isa sa mga prayoridad ng ahensya ay matulungan ang mga nasa sektor ng agrikultura na mapataas ang kita nito kung kaya’t ilalapit ang produkto ng mga magsasaka sa mga ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments