DA, Hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na prutas sa pagsalubong ng Bagong Taon

Hinimok ng Department of Agriculture (DA)  ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na prutas sa nakaugaliang  paghahanda ng mga bilog na prutas sa panahon ng Bagong Taon

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, Hindi lamang nito matutulungan ang mga magsasaka na kumita ng malaki kundi mapapalakas ang komersyalisasyon ng lokal na industriya ng prutas.

Aniya, sa halip na bumili ng imported apples, oranges at grapes, na inilalagay sa hapag bago sumapit ang bagong taon.


Makakabili naman ng Perante fruits, Satsuma, o Vizcaya ponkan, na mula sa Nueva Vizcaya.

Mayroon ding local grapes mula sa La Union, at citrus fruits mula sa Central Luzon at Bukidnon.

Bukod pa dito, ang melon, watermelon o pakwan, lanzones, chico pomelo, rambutan, mangosteen, sineguelas, chesa, bayabas at marami pang iba.

Ani ni Dar, mas masustansiya at mura ang mga ito kumpara sa mga imported.

Facebook Comments