DA, hinimok ang publiko na tangkilikin ang local fruits para sa selebrasyon ng Bagong Taon

Hinimok ni Agriculture Secretary William Dar ang publiko na tangkilikin at bilhin ang mga lokal na prutas para sa Tradisyon na Selebrasyon ng Bagong Taon.

Ayon kay Dar, ang pagtaguyod sa local fruits ay hindi lamang magpapalakas sa industriya ng prutas ng bansa, kundi magbibigay rin ng kita sa mga magsasaka at kanilang pamilya .

Payo ng kalihim na isama sa kanilang pamimili ng 12 bilog na prutas ang pinya , tsiko, bayabas , dalanghita o sintunis (small orange), perante/satsuma, melon, suha, atis, pakwan, dragon fruit, papaya, at avocado.


Paliwanag pa ni Dar, hindi aniya ito nawawala sa buong taon at mabibili sa lahat ng palengke.

Facebook Comments