Humihirit ngayon ang Department of Agriculture ng karagdagang P12 billion na pondo.
Ito’y hiwalay sa P95-B budget nito sa 2022.
Layon umano nito na matugunan ang nagbabadyang hamon sa kasiguraduhan sa pagkain sa pandaigdigang antas sa ilalim ng new world order.
Sa kaniyang liham kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco, hiniling ni Agriculture Secretary William Dar na kailangan ng ahensya ang “lifeline” para masustini ang produksyon ng agri-fishery sector para matugunan ang food security ng bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nagbabago na ang mga hamon sa food security dahil sa pagsulpot ng mga bagong variant ng COVID-19, ang pagsipa ng oil prices, epekto ng climate change at population dynamic, urbanization at ang tumatandang hanay sa sektor ng agrikultura at ang paglaban sa sakit sa mga halaman at paghahayupan.