DA, ibinalik ang pagbibigay ng permit sa mga baboy na ipinapadala sa Cebu

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na ibinalik na nito ang muling pag-iisyu ng mga permit sa pagpapadala ng mga baboy na papasok sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat ni Assistant Secretary for Swine and poultry RConstante de Jesus Palabrica Kay Cebu governor Gwendolyn Garcia, pinag-aralan nila ang mga patakaran sa mga hakbang laban sa African Swine Fever (ASF).

Ang mga legal na eksperto naman ng DA ay pinag-aralan ang utos ng Court of Appeals laban sa patakaran sa culling o pagpatay ng mga may sakit na baboy at sa zoning map na may layong mapigilan ang pagkalat ng ASF virus.


Matapos aniya ang pag-aaral, iniutos ni Palabrica ang muling pagbibigay ng mga permit sa pagpapadala sa lahat ng mga baboy na papasok sa Cebu.

Tiniyak ni Palabrica na sa first quarter ng 2025 ay nakalatag na ang mga hakbang kontra ASF.

Ayon sa DA, ginagawa na nito ang lahat upang maisalba ang P21-B na industriya ng pagbababoy sa Cebu.

Bagama’t ikinatuwa ni Gobernador Garcia ang nasabing development, hinamon din niya ang ahensya na magkaroon ng accountability sa bilyun-bilyong pisong pagkalugi sa hog industry dahil sa patakaran ng DA.

Facebook Comments