DA, idineklarang bird flu-free province na ang Cagayan

Wala ng bird flu ang lalawigan ng Cagayan.

Ito ay makaraang ideklara ito ng Department of Agriculture (DA) matapos lumabas sa resulta nang ginawang ilang linggong monitoring at disease control operations na wala nang kaso ng naturang virus sa lugar.

Nailagay sa surveillance at close monitoring ang naturang lalawigan makaraang magkaroon ng H5N1 strain ng bird flu virus sa mga gamefowl sa bayan ng Solana noong January 2023.


Ang Cagayan province ay bahagi ng bird migration path at ang migratory bird species ay maaaring magdala ng bird flu virus.

Facebook Comments