DA, iginiit na walang dahilan para magtaaas ng presyo ng gulay sa Metro Manila

Manila, Philippines – Sa unang linggo ng 2019, naramdaman agad ang pagtaaas ng presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila bunsod umano ng epekto ng bagyong Usman.

Aabot sa dalawampu hanggang tatlumpung piso ang itinaas ng presyo ng karamihan sa mga gulay.

Pero, iginiit naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol na walang dahilan para tumaas ang presyo sa Metro Manila lalo na at karamihan sa mga inaangkat na gulay ay galing sa Laguna, Quezon at Batangas.


Bukod dito, bumaba naman ang presyo ng ilang lamang dagat kung saan umaabot sa P70.00 hanggang sa P100.00 ang ibinaba nito.

Samantala, asahan na din bukas ang kaun-unahang oil price hike matapos ang sunod-sunod na bigtime rollback noong nakaraang taon.

Maglalaro sa 80 hanggang 90 centavos ang dagdag presyo sa kada litro ng gasoline habang 60 hanggang 70 centavos naman sa kada litro ng diesel at 40 hanggang 50 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang nakaambang taas presyo ay dahil sa pagmahal ng mga imported na langis sa world market gayundin ang pagpapatupad ng karagdagang excise tax sa langis.

Facebook Comments