Katanggap-tanggap sa Department of Agriculture (DA) ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Coconut Farmers and Industry Development Plan.
Nakapaloob dito ang mga benepisyo at programa ng pamahalaan na nakalaan para coconut farmers at sa industriyang ito.
Naniniwala si Agriculture Secretary William Dar na sa pamamagitan ng EO, maiaahon sa kahirapan at mas makipagkumpitensya ang mga magsasaka ng niyog.
Kabilang sa pakinabang dito ay ang pagkakaroon ng mga national program na magtitiyak sa social protection ng mga coconut farmers kabilang na ang kanilang pamilya.
Kasama rin dito ang pagtatayo ng community-based enterprises, pagsasagawa ng mga pananaliksik sa produksyon, processing, at distribusyon ng buko, at iba pang pag-aaral o proyekto na magsusulong sa domestic coconut industry ng bansa.