DA, ikinatuwa ang desisyon ng COMELEC na ituloy na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa agriculture sector

Ikinalugod ng Department of Agriculture (DA) ang pag-apruba ng Commission on Election (COMELEC) sa kahilingan nitong i-exempt ang fuel subsidy program mula sa campaign spending ban kaugnay ng election 2022.

Una nang inihinto ng DA ang pamamahagi ng fuel subsidy ng ipinairal na ang campaign spending ban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Assistant Secretary William Dar na ngayong wala nang restrictions ay maayudahan na nila ang libo-libong magsasaka at mangingisda na kabilang sa mga sektor na labis na naapektuhan ng labis na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.


May kabuuang 158,000 na magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa ₱1.1-B fuel subsidy.

Nauna nang sinabi ng kalihim na hindi lang pinansyal na tulong ang sakop ng ban kundi maging ang mga makinarya na ipinamamahagi ng ahensya.

Facebook Comments