DA, ikinatuwa ang pagtangkilik ng publiko sa pagbubukas ngayong araw ng P29 program

Nagpasalamat si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa mga tumulong at nakiisa sa paglulunsad ng 29 pesos rice program ngayong araw.

Sa isang statement, sinabi ni Laurel na ipinakita sa programa ang diwa ng bayanihan.

Aminado ang kalihim na mahalaga ang trial period na ito upang makakalap pa ng mga komprehensibong datos at masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng programa.


Sinabi ni Laurel na sa Agosto o Setyembre posibleng makapagbebenta na rin sila ng ₱29 per kilo ng bigas.

Facebook Comments