
Iminungkahi ni Agriculture Secretary Francisco Secretary Tiu Laurel sa Department of Finance (DOF), partikular sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na i-audit ang financial records ng mga rice trader.
Nais ni Laurel na masigurong sumusunod ang mga ito sa patas na pagpepresyo.
Nanawagan din ang Kalihim sa Department of Trade and Industry (DTI) ng maigting na pagbabantay sa presyo sa mga pamilihan at supermarkets.
Batay sa datos na nakuha ng Kalihim mula sa retailers, traders at importers, dapat ay nasa P6 hanggang P8 lang kada kilo ang mark-up ng ipapataw sa imported na bigas.
Sapat na aniyang kita ito upang mapanatili ang operasyon ng lahat ng mga kalahok sa supply chain.
Facebook Comments









