Inaasahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang malaking pagbaba sa presyo ng bigas sa Enero.
Ito ay resulta na rin ng pag babawas sa taripa sa bigas mula 35% patungong 15%.
Ayon kay Laurel, inaasahang magsisimulang bumaba ang presyo ng bigas sa Oktubre na resulta ng desisyon ng gobyerno na bawasan ang mga taripa sa pag-import.
Sinabi pa ng kalihim na hindi pa ganap na nararamdaman ang inaasahang pagbaba ng presyo ng bigas dahil pinarami ng mga negosyante ang pag-import ng bigas bilang paghahanda sa kakulangan sa suplay dulot ng El Niño.
Gayunpaman, ang buong epekto ng tariff cut ay maaaring maramdaman sa Enero 2025.
Sa pagtaya ng mga economic manager, inaasahan nila na humigit-kumulang ₱5-₱7 ang maibaba sa presyo ng kada kilo ng bigas dahil sa tariff cut.