
Inaasahan na ng Department of Agriculture (DA) na babatikusin ang nakatakdang auction ng National Food Authority (NFA) ng hanggang 60,000 metric tons ng aging stocks ng bigas ngayong Oktubre.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inaasahan na ang mga kritisismo hinggil sa kalidad ng bigas at mga akusasyon na nagpabaya ang ahensya.
Ani De Mesa, layon ng auction na maiwasan ang posibleng kakulangan sa suplay, mapaluwag ang mga bodega at maibenta ang bigas na malapit nang masira.
Tinatayang nasa 1.2 milyong sako o 13% ng buffer stock ng NFA ang isasali sa bentahan, na ibebenta sa presyong mula P25.01 hanggang P27.96 kada kilo depende sa tagal na pagkaimbak ng bigas.
Sa kasalukuyan, may buffer stock ang NFA na 450,000 metric tons na katumbas ng 12 araw na emergency supply ng bansa.









