DA, inabisuhan na ang sektor ng agrikultura at pangisdaan na maghanda sa masamang lagay ng panahon

Pinaghahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa paparating na bagyo at isa pang Low Pressure Area (LPA).

Pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang mga malapit nang anihing pananim at tiyaking nasa ligtas na lugar ang mga mga alagang hayop.

Inabisuhan naman ang mga mangingisda na simulan na rin ang pagkuha ng kanilang produkto at ilagay sa ligtas o mataas na lugar ang mga gamit sa pangingisda.


Pinaalalahanan din ang mga ito na iwasang pumalaot para sa kanilang kaligtasan at seguridad.

Facebook Comments