Inalis na ng Department of Agriculture ang pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga ligaw at domestic na ibon, kabilang ang mga produktong manok, mula sa Japan dahil sa mga kaso ng bird flu.
Kasunod ito nang inilabas na memorandum order ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nagpapahintulot sa muling pagpapatuloy ng importation ng day-old-chicks at hatching eggs mula sa Japan.
Batay sa evaluation ng DA, nawala na ang panganib ng kontaminasyon mula sa pag-aangkat ng mga buhay na manok, karne ng manok, mga sisiw, itlog at semilya.
Nauna nang nag-ulat ang Japan sa World Organization for Animal Health (WOAH) na ang mga naunang kaso ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) ay nalutas na at walang karagdagang mga kaso ang naiulat mula noong June 2, 2024.