DA, inalis na ang temporary ban sa pag-import ng mga kambing mula sa US

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-angkat ng mga buhay na kambing mula sa US.

Nauna nang ipinatupad ang temporary ban kasunod ng pagkakatukoy ng Q fever sa mga kambing na inangkat mula sa US.

Mahigit limang dosenang kambing na infected ng Q fever ang pinatay at inilibing ng Bureau of Animal Industry (BAI) para matapos ang pagkalat ng sakit.


Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang pagbawi sa kautusan mayapos ang tiyakin ng Department of Health (DOH) na ang Q fever ay hindi isang malaking banta sa kalusugan ng publiko.

Nagpatupad na ng mahigpit na hakbang ang BAI para maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa hayop at tao.

Kabilang dito ang adjustment ng BAI sa pre-border measures upang matiyak na ang pagkalat ng Q fever ay kayang kontrolin.

Facebook Comments