Anim na lokal na pamahalaan sa Batangas ang pormal nang nakakuha ng ASF-free status.
Kabilang sa mga LGUs na fully recovered sa African Swine Fever (ASF) ay ang mga sumusunod:
1. Lipa City
2. San Jose
3. Malvar
4. Rosario
5. Taysan
6. Nasugbu
Mismong si Agriculture Secretary Wiliam Dar ang nag-anunsyo nito kasabay ng paglulunsad ng National Hog Repopulation at Bantay African Swine Fever sa Barangay programs sa Batangas.
Pinapurihan ng kalihim ang mga local chief executives sa kanilang pagsisikap na mapagtagumpayan ang laban sa sakit na puminsala sa industriya ng babuyan sa bansa.
Dagdag ni Secretary Dar, sa loob ng dalawang taong pakikipag-laban sa ASF, naibaba na ang ASF outbreak dahil sa matagumpay na interbensyon ng pamahalaan.
Facebook Comments