DA, inaprubahan ang importasyon ng puting sibuyas sa limitadong dami

Inaprubahan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pag-import ng puting sibuyas sa limitadong dami.

Ito’y upang mapunan ang domestic supply at matiyak ang matatag na presyo nito sa merkado.

Sinabi ni Laurel na ang kabuuang dami ng pag-import ay limitado sa 16,000 metric tons.


Ito ay inaasahang dumating sa huling apat na buwan ng taon.

Ani Laurel, ang unang batch ng mga imported na sibuyas na ito ay magsisimulang dumating sa loob ng susunod na ilang araw.

Facebook Comments