
Magsu-supply na ang Department of Agriculture (DA) ng 490,000 na sako ng National Food Authority o NFA rice sa Department of Social Welfare and Development o DSWD simula Hunyo hanggang Disyembre upang mapalakas ang pagtugon ng ahensiya sa mga kalamidad at feeding programs para sa mga mahihinang komunidad sa buong bansa.
Mangangailangan ang DSWD ng 350,000 na sako ng bigas kada buwan upang mapanatiling operational ang repacking hubs nito sa Pasay City at Cebu.
Ang DSWD ay isa sa maraming ahensiya ng pamahalaan na regular na kumukuha ng kanilang supply ng bigas sa NFA para sa kanilang social support programs.
Ang kasalukuyang stocks ng NFA ay lagpas sa walong milyong sako.
Dahil sa mga rice supply para sa DSWD at P20 rice program, makatutulong itong mapaluwag ang mga bodega at masustini ang pamimili sa mga lokal na mga magsasaka.









