Sunday, January 18, 2026

DA, inatasan ang FTI sa pagbili ng sili at munggo para patatagin ang presyo ng mga ito

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Food Terminal Inc. (FTI) na bumili ng malalaking bulto ng sili ng munggo direkta sa mga lokal na magsasaka.

Ang direktiba ay bilang hakbang upang mapatatag ang presyo at mabawasan ang pag-depende ng bansa sa pag-import.

Ayon may Secretary Laurel na dapat munang bilhin ng FTI ang 80 percent ng lokal na produksyon o katumbas ng humigit-kumulang 3,000 metric tons upang ma-incentivize ang mga nagtatanim sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tiyak na buyer at pagprotekta sa kanila laban sa pabago-bagong presyo sa merkado

Kung saan prayoridad ng ahensya ang pagpigil sa pagtaas-baba ng ng presyo ng sili na madalas tumatama sa mga mamimili.

Habang long-term plan ng kagawaran na palakasin ang lokal na produksyon ng munggo para makamit ang self-sufficiency at mapanatili ang foreign exchange na kasalukuyang ginagastos sa pag-iimport.

Sinabi ng kalihim na layunin nilang maging self-relient sa 2027 pagdating sa munggo dahil malaki ang inaangkat ng bansa mula sa ibang bansa partikular na sa Argentina.

Kahit aniya na umaabot naman sa 45,000 metric tons ang lokal na produksyon.

Samantala, naglaan din ang DA ng milyun-milyong pondo para sa pagpapatayo ng greenhouse facility na makakapagprotekta sa mga high-value crops tulad ng sili sa matinding lagay ng panahon.

Habang hinihikayat naman ng FTI na mamuhunan sa mga processing facility para gawing flakes o paste ang sili.

Facebook Comments