DA, inatasan ang SRA na ilabas na ang resulta ng pagsusuri sa hinihinalang misdeclared na inangkat na asukal mula sa Vietnam

Pinamamadali na ng Department of Agriculture (DA) sa Sugar Regulatory Authority (SRA) ang paglalabas ng resulta sa ginawang pagsusuri sa samples ng imported sweeteners mula sa Vietnam na hinarang ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ang magiging resulta ng laboratory tests ay mahalaga upang madetermina kung ang kargamentong dumating ay pasok sa angkop na tariff classifications.

Nauna nang nagduda ang BOC sa preliminary inspection dahil idineklara ang produkto na sweet mixed powder pero ang nakalagay sa sako, ito ay nagtataglay ng 88 percent ng puting granulated sugar at 12 percent glucose

Sa ilalim ng tariff code 1702, pag-aangkat ng asukal ay mangangailangan ng clearance mula sa SRA.

Ayon sa SRA, wala pa itong ibinibigay na pahintulot sa anumang ganitong importasyon.

Facebook Comments