DA, inihahanda na ang mga department order para sa papalawig sa importation ban sa bigas at pagtataas sa taripa sa rice importation

Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture (DA) ang gagawing pagpapalawig sa importation ban sa bigas at pagtataas sa taripa sa pag-aangkat ng naturang pagkaing butil.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DA na ihanda na ang department orders para sa extension ng hanggang 60 days ng rice import ban upang mapatatag ang farmgate prices ng aning palay ng mga lokal na magsasaka sa peak harvest season.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, nais makita ni Pangulong Marcos na tumaas ang presyo ng palay sa isang makatwirang antas.

Aniya, ang nais ng pangulo ay maitaas ang farmgate prices ng palay mula ₱16 hanggang ₱17 kada kilo.

Facebook Comments