Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na pininsala ng Bagyong Quinta.
Ayon sa DA, kabilang sa ipagkakaloob ay mga binhi ng palay at mais, mga gamot at biologics para sa mga alagang hayop at poultry animals.
Maglalabas din ng pondo ang ahensiya para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar at pautang sa ilalim ng SURE Aid Program ng Agricultural Credit Policy Council.
Kasama na rin dito ang agarang pagbayad sa insurance claims sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation.
Inaalam pa ng DA field offices ang lawak ng pinsala at lugi sa agriculture at fishery sectors sa mga rehiyon na pinerwisyo ng bagyo.
Facebook Comments